"Jed, gusto mo ng virgin?"
Tanong yun sa akin ng isa sa mga katulong namin kagabi habang kumakain. I almost choked. Buti na lang napigilan ko. Unfortunately, my uncle(7 years older than me) couldn't stop the water from flying out of his mouth.
"Huh!?"
Napatingin talaga ako sa katulong namin.
"Meron jan sa kwarto.", dagdag ng katulong. Kala ko nagbibiro lang siya. Pero seryoso talaga yung expression ng mukha nya.
Napaisip talaga ako kung bakit niya ako tinatanong ng ganun. Bigla siya tumayo at pumunta sa kwarto. Kinabahan ako. Paglabas niya dala nga niya yung virgin...Virgin soda! Softdrinks pala yung tinutukoy niya. Akala ko kung ano na. Natawa na lang kami ng uncle ko.
Ok din naman pala lasa ng softdrinks na yun. Pero mas masarap pa rin yung coke.
